Pag-aalis sa Pandacan depot agad na ipapatupad  Atienza
March 9, 2007 | 12:00am
Malugod na tinanggap ni Manila Mayor Lito Atienza ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman matapos na katigan nito ang posisyon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na pumapabor sa paglilipat ng oil depot mula sa mÿÿÿÿataong lugar ng Pandacan, Maynila.
"Natutuwa kami dahil sa ginawang pagkatig ng Korte Suprema sa posisyon ng Maynila na mailipat na ang oil depot batay sa pinagtibay na ordinansa may 6 na taon na ang nakararaan," wika ng alkalde.
Sinabi pa ni Atienza sa ipinalabas na desisyon ng Mataas na Hukuman, kinilala nito ang naging hakbang ng city hall na gawing isang komersyal mula sa industriyal ang oil depot area at puwersahang bigyan _ng relokasyon sa ibang lugar na malayo sa mga residential o commercial district para sa kaligtasan ng mamamayan.
"Ang ibig sabihin nito, ang ordinansa ay tama, legal at dapat nang pagtulung-tulungang ipatupad", ayon pa6 kay Atienza. Kasunod nito, inatasan ng alkalde si Manila City Legal Office chief Atty. Melchor Monsod na huwag nang magsumite ng motiogn for reconsideration upang kaagad na maipatupad ang utos ng korte.
Magugunitang sa pamamagitan ng pinagtibay na ordinansa, handa noon ang city government upang ipalipat ang oil depot subalit pumagitna ang national gxovernment para mapigilan ito sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding (MoU) sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at ng Caltex (Philippines), Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Petron Corporation. (Gemma Amargo -Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended