2 supporters ng kandidato, niratrat, patay
March 9, 2007 | 12:00am
Dalawang lalaki na supporters ng isang tatakbong kongresista sa lungsod ng Caloocan ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan, habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Zaldy Gutierrez, 32 at Danny Ferrer, 47, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at ulo.
Nasa kritikal namang kondisyon ang isa pang biktima na si Christopher Ilagan, 31.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Napag-alaman na ang mga biktima ay taga-suporta umano ni dating Police Sr. Supt. Leo Gara na tatakbong congressman sa lungsod ng Caloocan sa darating na eleksyon.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Little Baguio, Miramonte Heights, Brgy. 180 ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na galing sa inuman ang mga biktima kasama ang testigong si Alex Malana, 30 at papauwi na ang mga ito sa kani-kanilang bahay nang harangin ng tatlong suspect na pawang armado ng mga baril. Walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspect ang mga biktima na nagresulta sa pagkasawi nina Gutierrez at Ferrer at ikinasugat ni Ilagan.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaril sa mga biktima, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended