2 ginang, lasog sa tren
March 8, 2007 | 12:00am
Nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawang ginang makaraang masagasaan ng tren sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City at Makati City kahapon ng umaga. Dakong alas-7 ng umaga nang mahagip ng tren ang biktimang si Cenry Amillano, 28, ng Bicutan, Taguig City. Kasalukuyan tumatawid ang biktima sa kabilang kalye upang bumili ng pandesal nang hindi nito napansin ang dumarating na tren na may body no. 302 patungo ng Maynila.
Nahagip ng gulong ng tren ang biktima at napisak ang mukha at naputol ang dalawang kamay at paa nito. Samantala, isa pang mangangalakal na kinilala sa pangalang "Grace" ang nahagip ng tren na may body no. 304. Halos hindi na makilala ang biktima sanhi ng pagkakapisak ng ulo nito at napipi ang katawan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
April 28, 2025 - 12:00am