^

Metro

Illegal recruiter nalambat ng pulisya

-
Nalambat ng mga awtoridad ang isang 42-anyos na illegal recruiter na sangkot sa patung-patong na kaso ng estafa sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila matapos na madakip sa kanyang pinagtataguan sa Valenzuela City kamakalawa.

Kinilala ni SPO4 Manolito Manalo, hepe ng Subpoena and Warrant Section ng Valenzuela Police ang suspek na si Effie Sabordo, may-asawa ng 33 Sta. Monica Subdivision, Balubaran Valenzuela City.

Ayon kay Manalo, si Sabordo ay itinuturing na most wanted person bunga ng mga kasong kinakaharap nito, partikular sa Malolos at Manila.

Inaresto si Sabordo sa bisa ng mga warrant of arrest na ipinalabas nina Judge Wilfredo Nieves, Malolos RTC Branch 84, para sa illegal recruiter at estafa; at Manila RTC Branch 10 Judge Virgilio Alameda, para sa kahalintulad ding mga kaso. Pawang no bail ang mga nabanggit na kaso, sabi pa ni Manalo.

Aabot sa 50 katao ang nagharap ng kaso laban kay Sabordo matapos na pumaltos ang pangako nitong trabaho sa mga una sa bansang Dubai, Qatar at ibang bansa sa Gitnang Silangan kapalit ang malaking halaga ng salapi.

"Pero ang modus ng suspek ay pinasasakay muna sa eroplano ang kanyang mga aplikante, ‘yun lang pagdating sa ibang bansa wala namang employer na sasalubong dahil peke nga, kaya ang nangyayari nasisita at huhulihin na lang ang mga aplikante ng mga security officer dito, dahil wala ngang pupuntahan," ayon pa kay Manalo. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BALUBARAN VALENZUELA CITY

EFFIE SABORDO

GITNANG SILANGAN

JUDGE VIRGILIO ALAMEDA

JUDGE WILFREDO NIEVES

MANALO

SABORDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with