^

Metro

Pasay City treasurer, bagsak sa lifestyle check; kinasuhan

-
Nahaharap sa katiwalian ang isa na namang opisyal ng Pasay City Hall Office matapos itong lumagpak sa isinagawang lifestyle check ng Department Of Finance (DOF).

Si Acting Pasay City Treasurer Ofelia Oliva ay sinampahan ng kasong anti-graft and corruption sa Office of the Ombudsman ng tanggapan ng DOF Revenue Integrity Protection Service (RIPS).

Base sa rekord, si Oliva ay may kabuuang assets na P14 million, kung saan may property ito sa Cebu na nagkakahalaga ng P12 million, nakabili umano ito ng tatlong sasakyan at may bahay ito sa Bel-Air Village, Makati City.

Ayon pa rin sa mga ahente ng RIPS, nabatid na ang asawa ni Oliva ay isang underwriter ng isang insurance company.

Kung saan ayon sa naturang tanggapan ang assets ni Oliva ay hindi umuugma sa kanyang suweldo. Sumusuweldo aniya ito ng P24,199.66 kada buwan o sa kabuuang halaga ang sahod nito ay umaabot ng P289,463.00 kada taon.

Nabatid pa sa nabanggit na tanggapan, na nabigo umanong makapag-sumite ng statement ng assets and liabilities si Oliva at ang base sa kanilang rekord nakapag-comply lamang ito noong taong 2004. (Lordeth Bonilla)

AYON

BEL-AIR VILLAGE

CEBU

DEPARTMENT OF FINANCE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NABATID

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PASAY CITY HALL OFFICE

REVENUE INTEGRITY PROTECTION SERVICE

SI ACTING PASAY CITY TREASURER OFELIA OLIVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with