Mahigpit na ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paglabas ng sinumang pasahero ng pera na mahigit sa P10,000.
Sa ulat ni Col. Efren Labiang, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS), ang pasahero ay nakilalang si Isidro Telesporo, 52, manager ng LKY Realty at residente ng Dama de Noche St., Executive Village, Antipolo City.
Nakatakda sanang umalis si Telesporo kahapon ng umaga patungong Singapore lulan ng PR 5403, nang pigilin ito sa Initial Security Check sa Centennial Terminal 2.
Nabatid na habang dumadaan ang bagahe sa Telesporo sa X-ray machine, nakita ni Bessy Ponce, X-ray operator ang kulay itim na imahe sa loob nito.
Ipinagbigay alam ni Ponce sa PNP Supervisor sa Customs duty officer ang kanyang nakita. Binuksan ang bagahe sa harap ng pasahero at nakita ang bungkos-bungkos na tig-P500 at P1,000 na nakalagay sa dalawang maliit na bag.
Dinala si Telesporo sa himpilan ng 1st PCAS upang maimbestigahan subalit hindi ito nagbigay ng pahayag, ayon sa payo ng kanyang abogado.
Hinala ng mga awtoridad na dadalhin ni Telesporo ang pera sa Singapore upang ipambili ng foreign currency mula sa mga OFWs. (Butch Quejada)