Damit pangkasal hiling na isuot sa burol
March 2, 2007 | 12:00am
Sa kabila ng lagim na kinasapitan sa kanilang pagpapakamatay, hiniling pa ng buntis na biktima na isuot ang kanya sanang damit pangkasal, habang hiniling naman ng matalik nitong kaibigan na i-cremate sila at ipaalam sa lahat ang kanilang kamatayan.
Sa suicide note na iniwan ng dalawang nasawi, kapwa humingi ng kapa tawaran sina Kaycie Caringal at Gretchen Sangalang sa kanilang mga magulang at kapatid sa ginawa nilang pagtapos sa sarili nilang buhay dahil sa napakaraming problemang kinakaharap nila.
Pangunahing tinukoy ng bank teller na si Caringal ang umano’y hindi pagkilala ng kanyang kasintahang si Luis Gabriel Miraflor sa dinadala niyang sanggol at hindi lubusang pagmamahal sa kanya. Hiniling din nito na ipagdasal ang kanyang bangkay at ng kanyang sanggol.
"Sori poh wala na po kasi way eh d q na poh kaya prob q. Plz pray for my soul and sa baby q. Ipacremate nio na lang aq. Luis I know I promised you na di kita iiwan but i have to I can’t live my life knowing wala ka na, di mo q talaga mahal. I died with my child you deny", bahagi ng suicide note ni Caringal.
Sa liham naman ni Sangalang sa kanyang inang si Susan, nagpasalamat ito sa pagiging mabuting magulang sa kanya ngunit hindi naman umano siya naging mabuting anak. Sa edad na 20-anyos, napakarami na umano niyang naranasan at problemang kinakaharap kaya pinasya niyang tapusin ang kanyang buhay upang hindi na maging pabigat.
"I belong to a family who are very loving and caring, nasa akin na lang talaga ang fault. I’m sorry di ko na talaga makayanan. Siguro noon kinaya kong harapin ang lahat pero ang hirap lang nung nag-flashback sa akin ang lahat ng pinagdaanan kong yun", ayon kay Gretchen.
Humingi rin ito ng tawad sa kanyang nakababatang kapatid na lagi niyang nakakaaway at sinabing magpakatatag ito at huwag gumaya sa kanya. Sinabi rin nito na sinadya niyang isuot ang kanyang paboritong itim na damit sa kanyang pagpapakamatay.
Sinabi naman ni MPD homicide chief, Chief Inspector Alejandro Yanquiling Jr. na sarado na ang kaso dahil kumbinsido na ang pamilya ng mga nasawi na sinadyang magpakamatay ng dalawang babae base sa suicide note na iniwan ng mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am