Mag-live-in niratrat: 1 todas
March 1, 2007 | 12:00am
Agad na nasawi makaraang magtamo ng 18 tama ng bala ang isang lalaki habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kanyang live-in partner matapos na paulanan ng bala ng hinihinalang mga miyembro ng isang sindikato kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Ricardo Saralde, 30, ng Varona St. Tondo, habang nasa malubhang kalagayan naman sa Mary Johnston Hospital ang kinakasama nitong si Natividad Ecgalas, 27.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa panulukan ng F. Varona at Panday Pira St., Tondo.
Ayon sa report, nabatid na katatapos lamang kumain sa isang karinderya ng dalawa at nagpapahangin sa naturang lugar nang biglang huminto ang isang bagung-bagong kulay gray na Toyota Revo at saka pinaulanan ng bala ng baril ang dalawa.
Nabatid naman na iniharang ni Saralde ang sarili nitong katawan kay Echalas kaya ito ang napuruhan ng mga bala. Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Nabatid sa pulisya na si Saralde ay dating kolektor sa mga ilegal na pasugalan at aktibidad ng nauna nang nasawi na si PO3 Bayani Neri, dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group-Manila na pinaulanan din ng bala ng mga hindi nakilalang suspect kamakailan.
Hinihinala na posibleng kilala ni Saralde ang mga taong nasa likod ng pamamaril kay Neri at isa itong pangunahing saksi sa krimen kaya nilikida ng naturang sindikato. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am