Double suicide
March 1, 2007 | 12:00am
Binabalot ngayon ng misteryo ang naganap na pagpapakamatay ng dalawang 20-anyos na dalaga na kapwa sinasabing nagbaril sa kanilang ulo, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang mga nasawi na sina Kaycie Caringal, empleyado ng bangko, ng 1284 Sto. Cristo St., Tondo at si Gretchen Sangalang, nursing student , ng 1785 Yangco St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay ng dalawang biktima dakong alas-10:20 ng gabi sa loob ng kuwarto ni Sangalang sa Yangco St., Tondo.
Sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, nabatid na dumating sa bahay ang dalawang nasawi dakong alas-3 ng hapon at nagkulong sa kuwarto. Makalipas ang ilang oras ay dumating naman ang kasintahan ni Caringal na si Luis Gabriel Miraflor at ang guardian nito na si Dr. Celia Segismundo.
Hinanap nila si Caringal kung saan itinuro naman ng may-ari ng bahay na si Susan Sangalang ang kuwarto ng anak na si Gretchen. Puwersahan nilang binuksan ang pinto ng kuwarto nang hindi sila pagbuksan at tumambad sa kanila ang bangkay ng dalawang babae na naliligo sa sariling dugo.
Sa isinagawang eksaminasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng tama ng bala sa noo si Caringal habang isang tama ng bala naman sa kanang sentido ang kumitil sa buhay ni Sangalang. Natagpuan din ang isang kalibre .32 na paltik na baril na ginamit sa pagpapakamatay sa tabi ng bangkay ni Sangalang at isang suicide note na umaamin na sinadya nila ang pagpapatiwakal.
Sa kabila nito, hindi naman malinaw sa mga imbestigador ang motibo sa pagpapakamatay habang nabatid pa na buntis si Caringal.
Ipinag-utos naman ni MPD Acting director Senior Supt. Danilo Abarzosa ang mas malalim na imbestigasyon sa krimen dahil sa posibleng nagkaroon ng "foul play".
Isang anggulo rin ang tinitingnan ng pulisya tungkol sa posibleng isa sa mga ito ang bumaril sa kasama at saka ginawa naman ng isa ang pagpapakamatay.
Inaalam din kung ano ang relasyon ng dalawa. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am