^

Metro

Bagitong parak timbog sa kotong

-
Nalaglag sa kamay ng mga operatiba ng Caloocan Police ang isang bagitong pulis-Maynila makaraang mambiktima at mangikil ng dalawang taxi driver dahil umano sa simpleng paglabag sa batas-trapiko sa nasabing lungsod kamakalawa.

Nahaharap sa kasong robbery extortion ang suspect na kinilalang si PO1 Michael Arevalo, 34, may-asawa, nakatalaga sa Manila Police District-Station 6 at residente sa 28 Guadalupe St., Morning Breeze, Caloocan City.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Arevalo ay inaresto ng mga nagpapatrulyang pulis na sina PO3 Eduardo Ronquillo at PO1 Punzalan ng Caloocan City Hall detachment nang maaktuhang kinokotongan ang mga taxi driver na sina Roderick Capalad, 38; at Jose Lim, 43.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi sa may panulukan ng 10th Avenue at Rizal Ave. Ext. nang sitahin ni Arevalo si Capalad dahil sa pag-u-turn nito sa nasabing lugar na ipinagbabawal.

Agad umanong hiningi ng naturang pulis na naka-uniporme pa ang lisensiya ni Capalad at saka bumulong ng "Pano ’to, may violation ka, bigyan mo na lang ako kahit pang-merienda."

Dahil dito, napilitang bumunot mula sa kanyang kinita sa pamamasada si Capalad at iniabot ang P200 sa nasabing kotongerong pulis.

Sinabi ni Capalad na hindi pa siya naka kalayo sa lugar nang maispatan naman niyang hinuhuli ng suspect ang isa pang taxi driver na si Lim.

Dahil sa matagal nang minamanmanan ng mga pulis-Caloocan sa mga reklamo ng mga motorista at taxi driver na nabibiktima ng naturang pulis sa nasabing lugar mula sa tinanggap nilang text messages ay agad na lumutang sina Ronquillo at Punzalan na nagpapatrulya at dinakma ang suspect. Nakumpiska sa suspect ang isang bank slip na ginagawang traffic violation receipt (TVR) sa mga nahuhuli. (Ellen Fernando)

AREVALO

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN POLICE

CAPALAD

DAHIL

EDUARDO RONQUILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with