BJMP ipapa-contempt ng DOJ
February 28, 2007 | 12:00am
Papanagutin ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kaugnay sa ginawa nitong pagpapalabas sa kulungan kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste.
Malaki ang paniwala ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco, ang piskal na nagsusulong ng murder case laban kay Leviste na walang sakit ang kontrobersiyal na gobernador.
Sinabi ni Velasco na nag-iinarte lamang si Leviste upang makalabas ng piitan.
Kasabay nito, tiniyak ng piskal na kukuwestiyunin nila ang naturang hakbang.
Aniya, papanagutin nila ang mga opisyal ng BJMP na pumayag na makalabas ng piitan ang dating gobernador nang walang court order.
Kinumpirma rin ni Velasco na ngayong araw ay dudulog sila sa Makati RTC upang ipa-cite for contempt ang BJMP. Dapat aniyang parusahan ng korte ang BJMP officials dahil sa pinangunahan nito ang hukuman sa kanilang desisyon. (Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended