^

Metro

Meningo baby patay sa PGH

-
Binawian na ng buhay kahapon ang isang taong gulang na baby na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa sakit na meningococcemia.

Ayon kay Dr. Michael Tee, spokesman ng PGH hindi nakayanan ng bata ang recovery ng kanyang katawan sa kabila ng matataas na dosage ng antibiotics na ibinibigay dito.

Kahapon bandang alas-11:30 ng umaga sa loob ng isolation room ng intensive care unit ng PGH ay tuluyan na itong sumakabilang buhay.

Magugunita na isinugod ang bata sa PGH noong Pebrero 15 matapos na makitaan ng mga sintomas ng sakit na meningo na naging positibo naman base sa pagsusuri ng mga doktor sa nasabing pagamutan.

Siniguro naman ni Dr. Tee sa mga residente ng Pasay partikular na ang mga kapitbahay ng nasawi na huwag matakot dahil sa hindi nakakahawa ang nasabing sakit kapag patay na ang taong dinapuan nito.

Nalinis na ring mabuti ng pamunuan ng PGH ang silid kung saan 13 araw na naka-confine ang bata bago ito tuluyang nasawi. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BINAWIAN

DR. MICHAEL TEE

DR. TEE

GEMMA AMARGO-GARCIA

KAHAPON

MAGUGUNITA

NALINIS

PASAY

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with