Calixto hindi pa rin nakaupo sa Pasay
February 27, 2007 | 12:00am
Muli na namang nabigo ka hapon si Pasay City Vice Mayor Antonio Calixto na maupo bilang alkalde ng lungsod matapos na maglabas ng kautusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi siya puwedeng maupo hanggang hindi naglalabas ng desisyon ang Court of Appeals (CA) hinggil sa temporary restraining order (TRO) na ibinigay dito.
Sa isang-pahinang sulat ni DILG Undersecretary Wencelito Andanar, nakasaad na hindi papayagan ng DILG ang request ni Calixto hanggang hindi inaaprubahan ng CA ang kanyang kahilingan.
Ang kasagutan ay base sa sulat ni Calixto sa DILG noong Pebrero 23 upang humingi ng tulong para maging maayos at payapa ang kanyang paglipat sa puwesto.
"In this regard, please be informed that with much regret, the Department cannot as yet give due course to your request as it has filed a manifestation before the Court of Appeals 10th Division requesting clarification of its temporary restraining order," sagot ni Andanar sa sulat ni Calixto.
Dahil dito, nagkaroon ng tensyon sa compound ng Pasay City Hall matapos na sumugod dito ang may mahigit sa 100 katao na mga Calixto supporters subalit napigilan ito ng mga miyembro ng Southern Police District kaya napilitang magsiatras at nakuntento na lang sila sa loob ng health center.
Nagbanta naman si Calixto na sasampahan ng kaso ang kapulisan lalo na si Sr. Supt. Marietto Valerio, hepe ng Pasay City police dahil sa pagharang ng kanyang mga bataan sa kanyang mga supporters. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am