Barangay, pulisya kontra krimen, pinaigting!
February 26, 2007 | 12:00am
Nanawagan kahapon sa hanay ng mga Barangay sa Lungsod ng Maynila ang Presidente ng Liga ng Mga Barangay na si Coun. Carlos "Caloy" Castañeda na bantayan at maging mapagmatyag sa kanilang mga nasasakupang lugar ngayong panahon ng kampanya para sa nalalapit na eleksyon.
Ayon kay Castañeda, tututukan ng mga ito ang pagpapanatili ng peace and order at kalinisan ng kanilang lugar kung saan hinamon din nito ang mga opisyal ng barangay na huwag hayaang dumihan o babuyin ng mga kandidato ang kanilang mga lugar na kanilang pinagsusumikapang linisin, pagandahin at ayusin sa ilalim ng programang "Buhayin ang Maynila" ni Mayor Lito Atienza at Inner City Development Chairman Ali Atienza.
Bukod rito, hiniling naman ni Castañeda sa mga Brgy. Chairmen na mahigpit na makipagtulungan sa mga tauhan ng Manila Police District upang higit na maging matagumpay ang kampanya ng lungsod kontra sa anu mang uri ng krimen na pinaniniwalaang tumataas ang porsiyento sa panahon ng halalan.
"Mas magiging epektibo ang kampanya natin kontra sa anumang uri ng krimen at mabibigyan natin ng proteksyon ang ating mga constituents kung makikipagtulungan tayo ng maayos sa kapulisan ng ating lungsod," paliwanag ni Castañeda. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended