^

Metro

Indian national, timbog sa panghahalay

-
Isang 15-anyos na dalagita ang nagreklamo sa pulisya matapos na umano’y pagsamantalahan ng Indian national sa loob ng isang lodging house sa lungsod ng Marikina.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya si Sandeep Singh, 19, tubong Punjab, India at pansamantalang naninirahan sa SSS Village, Brgy. Concepcion Dos ng nasabing lungsod makaraang ireklamo ng biktima na itinago sa pangalang "Gina" ng Brgy. Fortune Marikina.

Sa reklamo ng biktima, dakong ala-11:30 ng umaga  nang maganap ang insidente matapos na maningil ng pautang ang mga Bumbay sa may Apitong St., Marikina Heights.

Niyaya umano ng suspect ang biktima na kumain sa labas  kung saan nagpaunlak naman ang huli hanggang sa sumakay sa motor. Hindi akalain ng biktima na dadalhin siya ng suspect sa Aramis Lodging House at sapilitang ipinasok sa isang kuwarto.

Dito ay isinagawa na ng suspect ang panghahalay at matapos ito ay saka binigyan ng P100 ang biktima bilang pamasahe pauwi. Nahaharap ang suspect sa kasong RA 9208 at RA 7610 o child abuse law. (Edwin Balasa)

APITONG ST.

ARAMIS LODGING HOUSE

BRGY

CONCEPCION DOS

EDWIN BALASA

FORTUNE MARIKINA

MARIKINA HEIGHTS

SANDEEP SINGH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with