Ayon sa impormasyon, ang naturang MOA na palaging ipinagmamalaki ng McJet ay hindi dumaan sa deliberasyon ng Manila City Council. Nabatid na pinigilan ng McJet sa pangunguna ng Operations Manager na si Nelson dela Cruz ang ginawang pagbawi kamakailan ng High Desert Stop Overs, Inc. (Stop Overs) sa kanilang mga waiting shed structures sa kahabaan ng España, Manila.
Sa panayam kay Atty. Lirene Mora ng Stop Over, natural lamang na hakutin nila ang mga naitayo nilang istruktura dahil sila ang nagpagawa ng mga ito bagama’t natapos na ang kanilang kontrata sa Manila City hall.
Subalit igiinit naman ni dela Cruz, Operations Manager ng McJet na lahat ng istruktura na ipinagawa ng Stop Overs ay awtomatikong pagmamay-ari na ng City of Manila dahil tapos na ang MOA ng huli.
Samantalang tiniyak din ni dela Cruz na dumaan ito sa maayos at tamang proseso. (Doris Franche)