^

Metro

Abogado, ad company nagsabwatan

-
Malaki ang paniniwala ng kompanyang Stop Over na may sabwatang naganap sa pagitan ng McJet High Impact Advertising Company at umano’y isang Atty. Popoy Monzod ng Manila City Legal Division hinggil sa terminasyon ng Memorandum of Agreement na pinaghahawakan ng McJet.

Ayon sa impormasyon, ang naturang MOA na palaging ipinagmamalaki ng McJet ay hindi dumaan sa deliberasyon ng Manila City Council. Nabatid na pinigilan ng McJet sa pangunguna ng Operations Manager na si Nelson dela Cruz ang ginawang pagbawi kamakailan ng High Desert Stop Overs, Inc. (Stop Overs) sa kanilang mga waiting shed structures sa kahabaan ng España, Manila.

Sa panayam kay Atty. Lirene Mora ng Stop Over, natural lamang na hakutin nila ang mga naitayo nilang istruktura dahil sila ang nagpagawa ng mga ito bagama’t natapos na ang kanilang kontrata sa Manila City hall.

Subalit igiinit naman ni dela Cruz, Operations Manager ng McJet na lahat ng istruktura na ipinagawa ng Stop Overs ay awtomatikong pagmamay-ari na ng City of Manila dahil tapos na ang MOA ng huli.

Samantalang tiniyak din ni dela Cruz na dumaan ito sa maayos at tamang proseso. (Doris Franche)

CITY OF MANILA

CRUZ

DORIS FRANCHE

HIGH DESERT STOP OVERS

OPERATIONS MANAGER

STOP OVER

STOP OVERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with