^

Metro

Nakawan sa salon, itinanggi

-
Walang dapat maging responsibilidad ang Jun Encarnacion Salon sa Harrison Plaza, Malate, Manila sa sinasabing pagnanakaw sa cash at mahahalagang gamit ng isang Mayor ng California, USA kamakailan. Sa isang statement, sinabi ni Eleanor San Gaspar na mula nang mag-operate ang salon noong 1999, hindi ito kailanman nadawit sa gawaing ilegal at pawang mataas ang pagpapahalaga sa sarili ng mga empleyado nila. Ayon kay San Gaspar, nang dumating sa salon ang biktimang si Mayor Ruth Uy Asmundson para magpaayos ng buhok at magpa-make-up ay may dala itong dalawang bag, isang puti at itim at habang inaayusan ito at kahit noong shinampoo ang buhok nito ay hawak pa rin ang puting bag at testigo rito ang shampoo girl at ang manager. Nang nagbabayaran na, napansin ni Asmundson na ang puting wallet nito ay wala sa puting bag, pero "intact" ang coin purse nitong ginamit para bayaran ang serbisyo. Sinabi ni Asmundson na nawawala ang wallet niya na may lamang US$8,000 at pasaporte pero baka umano naiwan niya sa hotel na kanyang tinutuluyan. Bumalik pa ito sa salon at nagpatulong sa mga empleyado para mahanap ang wallet pero hindi makita. Umalis itong muli at sa pagbalik ay may kasama nang pulis. Naalala pa nito na mula nang pumasok siya sa Harrison Plaza hanggang sa parlor ay naiwang bukas ang kanyang handbag. Posible umano, ayon pa kay Gaspar na bago ito pumasok sa salon ay nadukutan na ito.

Bagamat willing silang halughugin ang buong parlor at tsekin ang lahat ng mga gamit ng mga empleyado ng oras na iyon ay tumanggi naman si Asmundson.

vuukle comment

ASMUNDSON

AYON

BAGAMAT

BUMALIK

ELEANOR SAN GASPAR

GASPAR

HARRISON PLAZA

JUN ENCARNACION SALON

MAYOR RUTH UY ASMUNDSON

SAN GASPAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with