36-anyos na ama, gutay-gutay sa granada
February 23, 2007 | 12:00am
Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 36-anyos na ama matapos sumabog ang hawak niyang granada sa loob ng kanilang tirahan kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Pateros.
Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Randolf Stricland, bunga ng grabeng pinsalang tinamo sa katawan at mukha dulot ng pagsabog ng hawak niyang granada dakong alas-3:45 ng madaling- araw sa loob ng kanyang tirahan sa 139 M.R. Flores St. , Barangay Sto. Rosario, Kaunlaran, sa naturang bayan.
Batay sa pagsisiyasat ni PO1 Jonathan Morales ng Criminal Investigation Unit ng Pateros police, nauna nang tinakot ng biktima ang kanyang kapitbahay na si Cecilia Solidum, may-ari ng isang tindahan, matapos na hindi siya pautangin sa binibiling alak.
Sinabi ni Solidum sa pulisya na umutang na sa kanya ng alak si Stricland dakong alas-3 ng madaling-araw na kanyang pinagbigyan subalit muling bumalik makaraan ang kalahating oras at umuutang na muli subalit hindi na niya pinagbigyan.
Nagalit umano ang biktima at kinuha ang kanyang baril at granada at pinagbantaan na pasasabugin ang tindahan ni Solidum kapag hindi siya pinautang.
Namagitan naman ang kaibigan ni Stricland na isang alyas Botchok at pinayapa ang nagwawalang biktima at inihatid pang pauwi sa kanilang tirahan.
Ilang sandali lang ay ginulantang na ng malakas na pagsabog ang loob ng bahay ng pamilya Stricland at tumunghay sa mga residente ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima na nakahandusay pa sa hagdanan ng kanyang bahay.
Pinalad naman ang dalawang batang babaeng anak ng biktima na nasa loob din ng bahay ay hindi nahagip sa naturang pagsabog.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended