Walo sa mga ito ay pawang mga babae na kabilang sa grupong Task Force Mapalad.
Sentimiyento ng mga ito ang anila’y hindi pa paglilipat sa kanila ng DAR sa lupang nai-award na sa kanila limang taon na ang nakakaraan. Ang naturang mga magsasaka ay mga benepisyaryo ng Hacienda Velez-Malaga sa Negros.
Sa kanilang protesta, ipinakita din ng mga ito sa publiko ang collective certificate ng land ownership award (CLOA) na inisyu ng DAR noong Abril 2002 na nagsasaad na ibinibigay na sa kanila ng pamahalaan sa ilalim ng CARP ang may 144 ektaryang lupain sa Hacienda Velez Malaga sa Negros.
Una nang nagprotesta ang mga magsasakang ito noong Enero 31 ng taong ito makaraang mapaslang ang isa nilang kasamahan noong Enero 25 ng umano’y tauhan ng dating may-ari ng naturang lupain. (Angie dela Cruz)