^

Metro

25 magsasaka nagpakalbo bilang protesta

-
Nag-ala Britney Spears ang may 25 magsasaka mula Negros nang sabay-sabay na magpakalbo ang mga ito sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Elliptical Road sa Quezon City habang nasa kanilang protesta kahapon ng umaga.

Walo sa mga ito ay pawang mga babae na kabilang sa grupong Task Force Mapalad.

Sentimiyento ng mga ito ang anila’y hindi pa paglilipat sa kanila ng DAR sa lupang nai-award na sa kanila limang taon na ang nakakaraan. Ang naturang mga magsasaka ay mga benepisyaryo ng Hacienda Velez-Malaga sa Negros.

Sa kanilang protesta, ipinakita din ng mga ito sa publiko ang collective certificate ng land ownership award (CLOA) na inisyu ng DAR noong Abril 2002 na nagsasaad na ibinibigay na sa kanila ng pamahalaan sa ilalim ng CARP ang may 144 ektaryang lupain sa Hacienda Velez Malaga sa Negros.

Una nang nagprotesta ang mga magsasakang ito noong Enero 31 ng taong ito makaraang mapaslang ang isa nilang kasamahan noong Enero 25 ng umano’y tauhan ng dating may-ari ng naturang lupain. (Angie dela Cruz)

BRITNEY SPEARS

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

ELLIPTICAL ROAD

ENERO

HACIENDA VELEZ MALAGA

HACIENDA VELEZ-MALAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with