Nag-ugat ang pagpapatalsik ng mga pulis kay Gido dahil sa umano’y paniningil nito ng P500 sa mga inmates sa ibinibigay na Certificate of Detention. Nabatid na walang dapat na bayaran ang sinumang preso na ikukulong.
Pansamantalang itinalaga si P/Supt. Reynaldo Magtaas bilang officer-in-charge.
Nakasaad din sa reklamo ng mga tauhan ni Gido na inuuwi umano nito ang mga regalo na ibinigay ng isang mall na nakalaan sa mga pulis na nakatalaga sa Women’s and Children’s Concern Desk noong Disyembre, paggamit ng mobile cars at police sa personal niyang pangangailangan.
Matatandaan na si Gido ay may isang taon ding naninilbihan bilang hepe ng Galas Police Station mula nang maalis siya sa QCPD-Fairview Station 5 dahil sa isyu ng sugal na jueteng. Tinangkang kunin ang panig ni Gido subalit hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone.
Ayon naman kay QCPD director Chief Supt. Magtanggol Gatdula, matagal nang tapos ang kaso at hindi na dapat pang gawing isyu. Aniya, nais lamang niyang mas mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng lungsod. (Doris M. Franche)