Karambola ng 3 sasakyan: 1 patay, 11 sugatan
February 21, 2007 | 12:00am
Isa ang patay habang labing-isa naman ang nasugatan matapos na magkarambola ang tatlong sasakyan kahapon ng umaga sa Commonwealth Avenue. Quezon City.
Dead-on-arrival sa New Era Hospital ang biktimang si Cecilia Duzon, 73, ng #18 Dunhill St. Fairview, Quezon City habang ginagamot din sa naturang ospital ang mga sugatan, kabilang na ang isang staff ng GEM TV na si Rachel Dionido, 33; Celina Pedregosa, 24; Remedios Capule, 62; Honey Lyn Tiozon, 28, na pawang mga pasahero ng jeep na may plakang PWY-227 at driver na si Christopher Lucena, 32; sina Raul Querubin, 45; Lea Perra, 27; Rosalie Mangilaya,31; Noey Guiraldo, 43, driver na pawang mga sakay ng Toyota Tamaraw na may plakang PXA-505. Dalawa pa sa mga biktima ang hindi nakilala. Iniimbestigahan naman ng pulisya ang driver ng dump truck na si Ronald Atibagos, 27, ng South Zuzuaregi St. Fairview, Quezon City na may plakang XFL-925.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Venus Ormita ng Quezon City Police-Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa kahabaan ng Commonwealth Ave. sa Quezon City.
Nawalan umano ng preno ang truck ni Atibagos na sumalpok sa likurang bahagi ng jeep na sumalpok naman sa likurang bahagi ng Toyota Tamaraw. Napuruhan naman ang biktimang si Duzon na agad na itinakbo sa ospital subalit namatay din.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng mabilis ang takbo ng dump truck at hindi nito nakontrol ang preno. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries ang driver na si Atibagos. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am