Kelot niratrat ng 3, utas

Isang lalaki ang nasawi matapos itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi nakilalang suspect habang nagpapahinga sa labas ng kanilang bahay sa Navotas kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Alejandro Reyes, 55, ng no. 26 Buenaventura St. Brgy. Tangos, Navotas matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa batok at pisngi.

Base sa ulat, alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan nakaupo at nagpapahinga sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang tatlong hindi nakilalang suspect.

Isa sa mga suspect ang agad na bumaril sa biktima at nang bumagsak ito mula sa upuan ay sinundan pa ng putok ng isa pang suspect bago nagsitakas.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng pulisya ang insidente kung saan nakakuha ang mga ito ng dalawang empty shell ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng insidente. (Ellen Fernando)

Show comments