^

Metro

Kung hindi accredited: Towing service kakasuhan ng carnapping

-
Kakasuhan ng carnapping ang mga towing services kahit legal ang kanilang operasyon  kapag humatak sila ng mga nasiraang sasakyan sa mga kalye na hindi magbibigay ng abiso o hindi man lamang  iimpormahan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang naging babala kahapon ni MMDA General Manager Robert C. Nacianceno sa lahat ng towing services na lumabag sa kanilang derektiba.

Aniya dapat magbigay ng abiso o impormahan ng towing services ang MMDA Metro Base 24-hours Monitoring,  bago sila humatak ng sasakyang nasiraan sa kalye.

Kasabay nito, nagsagawa ng inspection si Nacianceno, kung sinu-sino ang mga towing services na accredited sa MMDA.

Aniya, kung hindi accredited sa nabanggit na ahensiya ang towing services, ikokonsidera na iligal ang operasyon nito.

Ang hakbangin ng MMDA ay kaugnay na rin ng mga reklamo ng mga motorista, na maraming towing services ang gumagala sa ilang pa ngunahing lansangan ng Metro Manila na iligal ang operasyon. (Lordeth Bonilla)

ANIYA

GENERAL MANAGER ROBERT C

KAKASUHAN

KASABAY

LORDETH BONILLA

METRO BASE

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NACIANCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with