^

Metro

BJMP todo higpit sa pagbabantay sa high risk, high profile criminals

-
Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa mga high risk at high profile criminals na nasa Metro Manila District Jails (MMDJ) upang hindi maka-impluwensiya at hindi makapagsagawa ng anumang karahasan sa panahon ng eleksiyon.

Ayon kay BJMP director, Chief Supt. Clarito Jover, may ipinalabas na silang regulasyon na ang lahat ng mga high risk at high profile criminals ay dapat na magkakasama sa iisang kulungan upang mabigyan sapat na pag-iingat at seguridad ang mga preso.

Sinabi ni Jover na inaasahan na nila ang posibleng mangyari lalo pa’t may ilang report na ilan umano sa mga pulitiko ang may koneksiyon sa mga rebeldeng grupo.

Aniya, tinapatan naman nila ng bilang ng mga jailguard na magbabantay sa MMDJ upang maiwasan na maka-impluwensiya sa nalalapit na eleksiyon.

Ipinaliwanag ni Jover na mahigpit din ang kanilang pagbabawal sa anumang paggamit ng komunikasyon ng mga preso sa kanilang mga pamilya at kaibigan maliban na lamang kung ito ay may kaugnayan sa kanilang kaso.

Sa ngayon aniya, ang mga abogado at pamilya lamang ang kanilang pinapayagang dumalaw sa mga preso upang maiwasan na rin ang anumang kontrobersiya. Kaugnay nito, sinabi ni Jover na inatasan na rin niya ang lahat ng kanyang mga jailwarden na ilipat sa MMDJ ang sinumang mga high risk at high profile criminal na mako-commit sa kanilang mga jail. (Doris Franche)

ANIYA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF SUPT

CLARITO JOVER

DORIS FRANCHE

JOVER

METRO MANILA DISTRICT JAILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with