Sinabi ni QC Councilor Dante de Guzman, chairman ng komite, nagbigay na siya ng rekomendasyon sa tanggapan ni Belmonte para maipad-lock ang naturang mga establisimyento na di tumutupad sa mga alituntunin ng naturang batas at ordinansa.
Sa 15 pahinang resolusyon na nilagdaan ni de Guzman, Councilor Bernadette Dy-Vice Chairperson, committee members na sina Councilors Joseph Juico, Voltaire Liban,Edcel Lagman Jr, Antonio Inton, Rommel Abesamis at Restituto Malangen, hiniling ng mga itong maipasara ang naturang mga establisimiento na nasa kahabaan ng Commonwealth avenue at Quirino Highway.
Partikular na nilabag ng mga ito batay sa resulta ng imbestigasyon ng composite team na binubuo ng Business Permit and Licensing Office, City Engineers Office, Health Department,Fire Department, City Planning Development Office at Cultural Tourism Affairs Office (CTAO) na patuloy ang pag-ooperate ng short time ng naturang mga establisimiento na isang paglabag sa naturang batas.
Ilan sa mga nairekomenda ng komite kay Mayor Belmonte na maipasara ay ang Kyoto Novaliches; Smart Hotel; South Homes Apartelle, Timog; Hotel Mokko Novaliches; Victorias Grand Hotel Novaliches; Miami Hotel Cubao; QC Apartelle, E. Rodriguez; Dry Run, Fairview; Camelot Hotel, Brgy. South Triangle; Confiado Apartelle, Cubao; City Crown, Aurora Blvd at 20 iba pa.
Ngayong linggo nakatakdang isilbi ng komite ang notice of violations sa nabanggit na mga establisimyento upang magbigay ng paliwanag sa loob ng tatlong araw hinggil sa kung bakit hindi sila maaaring maipasara. (Doris Franche)