^

Metro

7 empleyado ng parlor, iniimbestigahan

-
Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) ang pitong empleyado ng isang beauty salon matapos na mabiktima ng pagnanakaw at matangayan ng P.5 milyon ang alkalde ng California, USA na si Ruth Uy Asmudson noong Biyernes.

Unang pinatawag ni MPD Theft and Robbery Section chief, C/Insp. Dominador Arevalo si Alexander Cabanting, 28, hairstylist ng Jun Encarnacion Salon sa Harrison Plaza, Malate, Maynila at residente ng Cabrera St. Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa salaysay ni Cabanting, itinuro nito ang kasamahang si Alberto Sabido na nagme-makeup kay Asmudson, 62 City Mayor ng Davis, California , USA. Pito umano silang tauhan ng naturang salon habang dalawa lamang ang kanilang customer kabilang na ang isang lalaki na kanyang ginugupitan.

Wala umano siyang napansin na lumapit sa bag ni Asmudson na posibleng tumangay ng wallet nito.

Nagreklamo lamang umano ang biktima matapos na makapagbayad ng P650.

Kasabay nito, gumawa naman ng cartographic sketch ang pulisya upang makilala at matukoy ang suspect.

Ang pambibiktima kay Asmudson ay isang dagok sa programa ng PNP kung saan dapat na mabigyan ng sapat na seguridad ang mga sibilyan at mga turista. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALBERTO SABIDO

ALEXANDER CABANTING

ASMUDSON

CABRERA ST. BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CITY MAYOR

DANILO GARCIA

DOMINADOR AREVALO

HARRISON PLAZA

JUN ENCARNACION SALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with