Si Atty. Nilo T. Divina, ay inindorso rin ni Bishop Deogracias Yniguez Jr. para sa ikalawang distrito sa Caloocan matapos ang ginawa nilang dayalogo at makuha nito ang kanyang tiwala dahil sa kanyang plataporma na maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan sa lungsod.
Ayon kay Divina, prayoridad niya ang nararanasang kahirapan ng mga taga-Caloocan kung saan bibigyan nito ng maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng pagpasa ng mga batas para sa mahihirap.
Kasabay nito hinamon din ni Divina ang kanyang mga katunggali ng debate para maipahayag ang kanilang tunay na layunin para sa mga taga-Caloocan. (Ellen Fernando)