^

Metro

Karambola ng 3 sasakyan: 2 sugatan

-
Dalawa katao ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Isinugod sa San Juan de Dios ang mga biktimang sina Rhea Gutierrez at Marlon De Dios.

Sa sketchy report ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-12:25 kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Pasay City.

Minamaneho ni Gutierrez ang kanyang Toyota Vios at sakay nito ang kanyang kapatid na si Rhenalyn at kaibigang si Renz Castro.

Habang si de Dios naman ay minamaneho ang kanyang motorsiklo, kung saan isa pang Toyota Corolla ang sangkot sa insidente.

Nabatid na biglang nag-u-turn ang isang Toyota Corolla, na kapwa lasing ang dalawang lalaking sakay nito.

Dahil sa parehong hindi nakontrol ni Gutierrez at de Dios ang kanilang minamanehong sasakyan ay tuluyan na itong nagkabanggaan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DIOS

LORDETH BONILLA

MACAPAGAL AVENUE

MARLON DE DIOS

PASAY CITY

PASAY CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

RENZ CASTRO

RHEA GUTIERREZ

SAN JUAN

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with