Sa loob ng parlor sa Malate: California Mayor biktima ng ‘Salisi Gang’
February 18, 2007 | 12:00am
Nalalagay ngayon sa malaking kahihiyan ang Philippine National Police (PNP) matapos na matangayan ng mga miyembro ng "Salisi Gang" ng P.5 milyong halaga ng pera at gamit ang nagbabakasyon na isang Alkalde ng California, USA sa loob ng isang beauty salon, kama kalawa ng hapon sa Malate, Maynila.
Nakilala ang nabiktima ng mga kawatan na si Ruth Uy Asmudson, 62, biyuda at nagpakilalang Mayor ng Davis, California, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Century Park Sheraton Hotel sa A. Mabini St. , Malate.
Blangko naman ngayon ang Manila Police District sa pagkakakilanlan ng mga suspect na nambiktima sa dayuhang opisyal ng Estados Unidos.
Sa ulat ng MPD Station 9, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa loob ng Jun Encarnacion Salon sa loob ng Harrison Plaza sa Malate kung saan nagpaayos ng kanyang buhok ang biktima.
Nang magbabayad na sa counter, dito lamang napansin ni Asmudson na nawawala na ang kanyang pitaka sa loob ng kanyang bag na naglalaman ng kanyang American Express Card, mga tseke at mahigit sa US$9,000 at driver’s license.
Sa imbestigasyon, inilapag ni Asmudson ang kanyang kulay krema na handbag sa sahig sa ibaba ng kanyang upuan habang nagpapaayos. Wala naman napansin ang biktima na nakialam nito.
Nakatakdang imbestigahan ngayon ng pulisya ang buong staff sa salon.
Nabatid na panauhing pangdangal at speaker sa Adamson University si Asmudson na dumalo muna sa pagtitipon bago nagreklamo sa pulisya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended