Isinara kahapon ang mga kalsada ng Quintin Paredes St. sa Binondo matapos na ilatag ang may 600 na yarda o 1, 800 talampakan na dragon na kinailangan pa ng 220 mga dragon dancers sa pagsasayaw sa tapat ng Philamlife Binondo Business Center.
Sinabi ni Philamlife Vice-president Melvin Esteban, ginawa nila ang naturang dragon upang talunin ang kasalukuyang nakatala sa Guinness na nasa higit 500 talampakan lamang na dragon.
Nakatakdang dumating ngayong araw ang kinatawan ng Guiness sa bansa upang kumpirmahin ang haba ng ating Chinese Dragon at mabatid kung muli na namang mapapasok ang Pilipinas sa bagong World Record. (Danilo Garcia)