^

Metro

Kasong administratibo, isinampa vs 3 jailguard

-
Inirekomenda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa tatlong jailguard ng Quezon City Jail na nahuli sa loob ng isang restaurant na kumakain kasama ang presong si dating ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Martin Soriano noong Disyembre

Ayon kay BJMP Sr. Supt. Serafin Barreto Jr., BJMP National Capital Region nahaharap sa kasong simple misconduct sina SJO3 Eduardo Tayag, SJO3 Edgardo Naguimbing at SJO3 Enrique Guevarra matapos na lumabag sa regulasyon ng BJMP na nagbabawal na magdala o maglabas ng preso sa anumang lugar ng walang pahintulot ang korte.

Samantala, ang kaso laban kina dating QC jail warden Supt. Ignacio Panti at chief escort division nito na si SJO4 Henry Laus ay ibinasura matapos na mapatunayang wala itong anumang basbas sa ginawa ng tatlong jailguard. Si Panti ay sinibak sa puwesto bunga ng umano’y command responsibility.

Batay sa rekord, Disyembre 11, 2006, nang i-escort ng tatlong jailguard si Soriano sa kanyang hearing sa kaso sa Makati gamit ang sasakyan nito.

Subalit habang patungo sa korte niyaya ni Soriano ang tatlong jailguard na pumasok sa isang restaurant at kumain.

Habang kumakain ay dumating ang ilang tauhan ng Makati Police at ilang NBI agents kung saan inaaresto si Soriano sa kasong carnapping.

Lumilitaw na ang kotseng gamit nina Soriano ay carnap vehicle. Agad namang nilinis ng BJMP sa kasong carnapping ang tatlong jailguard dahil wala naman umanong alam ang tatlo na "hot car" ang kanilang sinakyan.

Ipinaliwanag naman ni Barreto na naging maingat at specific ang ibinigay na instruction nina Panti at Laus kung kaya’t agad na nilinis ang kanilang pangalan.

Nabatid na may inilalaan na pondo bilang pamasahe ang QC Jail sa pagdadala ng mga preso upang hindi gumamit ng anumang sasakyan mula sa akusado. (Doris M. Franche)

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DISYEMBRE

DORIS M

EDGARDO NAGUIMBING

EDUARDO TAYAG

ENRIQUE GUEVARRA

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with