^

Metro

2 pulis tiklo sa pagnanakaw ng paintings

-
Dalawang pulis na nakatalaga sa Camp Crame ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District matapos na maaktuhang ilegal na tina tangay ang mga paintings sa isang gallery shop, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nakila ang mga suspect na sina PO2 Marcelino Catabay, 33 ng Pasay City at PO2 Armando Arellano, 29, ng Caloocan City. Kapwa sinabi ng dalawa na nakatalaga sila sa Directorate for Investigation and Detective Management sa Camp Crame.

Ang mga nadakip ay pawang inireklamoi ng mga biktimang sina Jenny Chan, 38, negosyante; Analyn Aparilla, 36; Jean Bayot, 63, stall owner sa Sining Pilipino; Delia Pizarra, 46, stall owner at si Juancho Esmeria, 35, Court Sheriff IV ng Masbate Regional Trial Court.

Ayon kay C/Inspector Alejandro Yanquiling Jr., hepe ng MPD-Homicide Section na dakong alas-9 ng gabi ng humingi ng saklolo ang mga may-ari ng mga painting stalls ukol sa limang armadong lalaki na pinapaalis sila sa kanilang puwesto.

Sa kabila na walang maipakitang court order, puwersahang tinangay ng mga suspect ang mga paintings at ikinandado ang mga stalls.

Nang komprontahin ang mga suspect, nagpakilala ang mga ito na mga pulis at nagtatrabaho sa isang Go Ko Lai na siya umanong may-ari ng lote na kinatitirikan ng establisimento. Nakumpiska sa dalawa ang mga baril na kalibre .45 at 9mm pistol matapos na hindi makapagpakita ng exemption paper buhat sa Commission on Election na magdala ng baril kapag nakasibilyan.

Sinabi ni Yanquiling na nagtrabaho ang dalawang nagpakilalang pulis bilang mga kolektor at taga-harass ng negosyanteng si Go Ko Lai sa kanyang pinapaupahang establisimento.

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon si Yanquiling upang maberipika kung tunay ngang pulis ang mga suspect dahil sa sobrang luma na ang ipinakitang ID ng mga ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANALYN APARILLA

ARMANDO ARELLANO

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

COURT SHERIFF

DANILO GARCIA

DELIA PIZARRA

GO KO LAI

HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with