^

Metro

Nasilat na pagkidnap kay Barbers, bubusisiin ng DOJ

-
Pinasisiyasat ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa National Bureau of Investigation (NBI) ang insidente ng umano’y tangkang pagdukot sa pamilya ni Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Robert Dean Barbers.

Batay sa nilagdaang memorandum ng Kalihim, binigyan niya ng 10 araw si NBI Director Nestor Mantaring upang tapusin ng NBI ang kanilang imbestigasyon. Mahigpit din ang kautusan ng Kalihim na sa sandaling matapos ang nasabing petsa ay dapat magsumite ng report at rekomendasyon sa kanyang tanggapan. Pagbabatayan ng DOJ ang magiging resulta ng imbestigasyon hinggil sa posibilidad na pagsasagawa ng pagdinig laban sa mga personalidad na sangkot sa insidente.

Ang hakbang ni Gonzalez ay bunsod nang naging pagdulog ni Barbers sa kanyang tanggapan matapos ang umano’y mabulilyaso ang planong pagdukot sa kanyang pamilya.

Kabilang sa mga inaakusahan ni Barbers na responsable sa insidente ay ang grupo ni PAF Airman Nino Virtucio at kapatid nitong si Noel. (Grace dela Cruz)

AIRMAN NINO VIRTUCIO

DIRECTOR NESTOR MANTARING

GENERAL MANAGER ROBERT DEAN BARBERS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KALIHIM

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with