Namaril ng umiihi, todas sa pulis
February 13, 2007 | 12:00am
Patay ang isang 45-anyos na lalaki makaraang mamaril ito ng isang lalaking umiihi at pagkatapos ay manlaban sa rumespondeng awtoridad na aaresto sana sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.
Ang suspect na namatay matapos na makipagbarilan sa rumespondeng pulisya ay nakilalang si Eliazar Montano, residente ng Blk 7 Lot 14 Gloria Comp, Pilar Las Pinas City.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa harapan ng bahay ng suspect matapos na sitahin nito ang biktimang si Felix Ocampo 34, govt. employee, na umiihi sa pader ng una.
Kinompronta ng suspect ang pag-ihi ng lalaki na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa barilin ng una ang huli na tinamaan sa kaliwang braso.
Ang insidente ay agad na naitawag sa himpilan ng pulisya na agad na rumesponde upang arestuhin ang suspect subalit imbes na sumuko ay nagtago pa ito sa kanilang bahay at nakipagmatigasan pa sa pulis.
Nakipagnegosasyon pa si P/Insp. William Pelicano, ground comman der ng Police Community Precint (PCP) 5 subalit ayaw sumuko ng suspect.
Matapos ang may isang oras na negosasyon ay napilitan na ang pulisya na pasukin ang bahay ng suspect subalit nanlaban at namaril ito kaya gumanti ng putok ang pulis na naging dahilan sa pagkamatay ni Montano. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest