^

Metro

Oplan Greyhound sa mga jail routinary

-
Tahasang sinabi ni Quezon City Jailwarden Supt. Teofilo Labating ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na regular at routinary ang isinasagawa nilang Oplan Greyhound upang matiyak na walang anumang kontrabando na nakalagak sa loob ng mga selda.

Ayon kay Labating, nadiskubre nila ang pagkakaroon ng shabu ng presong si Danilo Vionco ng Sigue-Sigue Commando matapos na ikanta ng kanilang nahuling bisita na si Ana Victoria Lagahit.

Nabatid na dadalawin ni Lagahit ang kanyang asawang si Roderick na nakakulong sa kasong robbery sa QC Jail noong Pebrero 4. Nakuha kay Lagahit ang isang sachet ng shabu sa ponytail ribbon.

Pebrero 5 nang isagawa naman nila ang Oplan Greyhound kung saan nakuha naman sa selda ni Vionco ang may 147 sachet ng shabu.

Ipinaliwanag ni Labating na hindi naman nila maaaring ihayag kung kailan isasagawa ang operasyon sa pangamba na itago ng mga preso ang kanilang mga kontrabando.

Aniya, hindi lamang ipinagbabawal na gamot ang kanilang kinukumpiska kundi maging ang mga matatalas na bagay na posibleng gamitin ng mga preso sa riot o posibleng pagtakas.

Nilinaw nito na hindi sila nagpapabaya at hindi niya kinukunsinti ang pagpapasok ng mga kontrabando. (Doris Franche)

ANA VICTORIA LAGAHIT

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DANILO VIONCO

DORIS FRANCHE

LABATING

LAGAHIT

OPLAN GREYHOUND

PEBRERO

QUEZON CITY JAILWARDEN SUPT

SIGUE-SIGUE COMMANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with