Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspect na si Giovanni Lausa, 22, ng Petros Security Agency at residente ng 1727 Milagros St. Sta. Cruz, Maynila habang pinaghahanap naman ang kasama nitong nakilala lamang sa pangalang “Joel†maka raang pagtulungan saksakin ang biktimang si Jonathan Vergara ng 1747 Malabon St. Sta. Cruz, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang nagpapaload ang biktima sa SMC Videoke Bar and Restaurant.
Nagbitiw ng salita ang suspect ng “ lalaslasin ko ang lalamunan nyan†kung kaya’t umiwas na ang biktima.
Subalit ayon sa mga saksi sinundan ito ng mga suspect at saka pinagsasaksak. Bagama’t duguan ay tumakbo pauwi ang biktima na muling hinabol ng mga suspect at muling inundayan ng saksak.
Agad namang humingi ng tulong ang ilang residente na nagresulta sa pagkakadakip ni Lausa. (Danilo Garcia)