May VIP treatment kay Leviste-pamilya delas Alas
February 11, 2007 | 12:00am
Nakakaranas umano ng "special treatment" ang dating gobernador ng Batangas na si Jose Antonio Leviste habang nakakulong ito sa Makati City Jail, taliwas naman sa naunang pahayag ng pamunuan ng pulisya rito na hindi nila ito bibigyan ng ganitong uri nang pagtingin ang una.
Nakatanggap ng impormasyon ang kaanak ng pinatay na biktimang si Rafael Delas Alas, na binibigyan umano ng "vip" o special treatment ng ilang jail guard sa nabanggit na bilangguan si Leviste.
Gayunman, sinabi ng pamilya delas Alas, ang mahalaga aniya ay kampante sila dahil nakakulong na ang pumatay sa kanilang padre de pamilya.
Kahit papaano aniya ay bahagyang lumuluwag ang kanilang dibdib, dahil unti-unting nabibigyan ng hustiya ang pagkamatay ng kanilang ama.
Ang nakuhang impormasyon ng pamilya delas Alas ay taliwas naman sa pahayag ng Makati City police na hindi bibigyan ng vip treatment ang dating gobernador.
Ayon sa pamilya Delas Alas, noon pa aniya ay may pagbabanta na sa buhay ng biktima matapos mahalungkat ng anak nitong si Dina mula sa personal na gamit ng kanyang ama ang isang sulat na itinago ng nasawi na doon nakasaad ang katagang pinagbabantaan ang kanyang buhay.
Itinago ng pamilya Delas Alas ang sulat na nagbabanta sa buhay ng kanilang padre de pamilya dahil posible itong magamit nilang ebidensiya laban sa kasong murder na kinakaharap ngayon ni Leviste. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended