Ex-police huli sa kotong
February 10, 2007 | 12:00am
Isang dating tinyente ng Philippine National Police (PNP) na most wanted person dahil sa kasong carnapping at robbery ang nadakip ng mga awtoridad matapos na magpanggap na tauhan ng Engineering Office at mangotong sa Malabon City Hall sa isang entrapment operation kamakalawa.
Kinilala ang suspect na si ex-P/Insp. Leopoldo Villoga, 57, may-asawa, dating hepe ng Special Operation Group ng Mangustan Road, Brgy. Potrero.
Ayon sa ulat, si Villoga ay nadakip sa visa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Benjamin Antonio ng Malabon Regional Trial Court Branch 73 sa kasong robbery. Ang pagkakadakip ng suspect ay bunsod sa reklamo ng biktimang si Pedro Mangubat, 41, coast guard ng Lot 13, Maya-Maya St., nasabing lungsod.
Sa salaysay ni Mangubat, kasalukuyang nagpapagawa siya ng kanyang bahay nang puntahan ni Villoga at nagpakilala sa alyas na Mario Austria kasama ang isang Roberto Flores at umano’y mga tauhan sila ng Malabon City Engineering Office.
Nabatid na agad umanong sinita ni Villoga si Mangubat dahil illegal umano ito at walang kaukulang permit. Nagbanta ang grupo ni Villoga sa biktima na kung hindi kukuha ng raffle ticket na nagkakahalaga ng P5,000 ay kanila itong tutuluyang pagmultahin at hulihin. Gayunman, dahil sa pagdududa ng biktima ay agad nitong ipinagbigay-alam sa pulisya na nagsagawa ng entrapment operation para sa gagawing bayaran sa ticket na siyang ikinadakip nito. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am