^

Metro

Engineer, abogado timbog sa illegal recruitment

-
Isang engineer at isang abogado na kapwa inireklamong ilegal recruiter ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa magkahiwalay na lugar Caloocan City at sa Maynila.

Unang nasakote ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang illegal recruiter na inhinyero matapos ireklamo ng apat na obrero sa entrapment operation sa Caloocan City, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni PNP-CIDG chief Director Edgardo Doromal, ang suspect na si Engineer Crispin Sacramento ay nasakote sa tahanan nito sa Popular St., Rainbow 5, Phase 2, Bagombong ng nasabing lungsod bandang alas-10 ng umaga.

Ito ay inaresto habang tinatanggap ang marked money mula sa apat na biktima na nire-recruit nitong pawang taga-Pampanga na sina Agustin Quizon, Rodolfo Bernardo, Roberto Mata at Anastacia Pagca.

Ang apat ay nag-apply umanong mga karpintero at mason sa suspect para magtrabaho sa Dubai na hiningan ng halagang P 38,000 bawat isa para umano sa placement fee.

Nabatid na nagduda ang apat na karpintero sa nasabing inhinyero dahil matagal na silang nag-apply ay hindi pa rin sila nakakaalis kung saan ay kung anu-ano pang mga rekisitos na pinababayaran nito ang hinihingi sa naturang mga manggagawa.

Napilitan naman ang mga itong lumapit sa tanggapan ng PNP-CIDG na agad nagsagawa ng entrapment operations na nagresulta sa pagkakadakip laban sa suspect na natuklasang walang job order mula sa Philippine Overseas Welfare Administration (POEA). Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa naarestong suspek.

Samantala nadakip naman ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang abogado na nagre-recruit naman ng mga trabahador sa bansang Malaysia.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Roberto Bustillo, 38, ng Doña Aurora, Galas, Quezon City, habang pinaghahanap naman ang kasabwat nitong sina Amera Dabajeh at Leticia Cunanan.

Ayon sa biktima nitong si Wallie Garcia, 40, pinuntahan siya ni Cunanan nitong nakaraang Enero 2 at inalok ng trabaho sa Malaysia bilang roomboy na may suweldong $300 isang buwan.

Sinamahan siya ni Cunanan sa tanggapan ni Bustillo na nagpakilala sa pangalang Atty. Jose Ordoñez Jr. at doon pa lamang ay hiningan na siya ng halagang P45,000 para sa lahat ng kanyang mga papeles at agad siyang makalipad.

Sinabi ng biktima na nangutang pa siya ng pera at ibinigay kay Bustillo noong Enero 16. Nagawa naman niyang makalipad patungong Malaysia subalit doon niya nalaman na wala palang rabaho na naghihintay sa kanya. Nabatid din niyang tourist visa lamang ang hawak niya. Ibinenta na lamang niya ang dalang cellphone sa bansa para makabalik sa Pilipinas. Pag-uwi niya ay dito na niya binalikan ng reklamo si Bustillo. (Joy Cantos at Danilo Garcia)

vuukle comment

AGUSTIN QUIZON

AMERA DABAJEH

ANASTACIA PAGCA

BUSTILLO

CALOOCAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CUNANAN

DANILO GARCIA

DIRECTOR EDGARDO DOROMAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with