Sa ulat ni Lt. Jaime Estrella, officer-in-charge ng Airport Police Dept. (APD) kay MIAA General Manager Alfonso G. Cusi, dakong alas-9:45 noong Miyerkules ng gabi, napansin niya ang isang babae na may dalang aso at naglalakad ng "back and forth" sa arrival curbside habang hinihintay ang kanyang sasalubunging pasahero.
Dalawang janitor ng MIAA, isang nagngangalang Celso Justado, na bodyguard ni Ambassador Roy CimaStu, at dalawang hindi nakilalang madre, ang muntik masakmal ng aso nang hindi sinasadyang mapadaan ang mga ito malapit sa kinatatayuan ng aso. Pati ang mga palabas na mga pasahero ay natakot nang hinabol sila ng aso, bagamat ito ay nakakadena.
Nilapitan ni Estrella ang babae at pinagsabihang dalhin sa kanyang sasakyan ang aso dahil nate-"terrorize"g ang mga pasahero subalit sa halip na sumunod ay nagmatigas ito at idinuldol sa mukha ni Estrella ang Diplomatic Card, at makailang ulit siyang sinigawan. Sinabihan pa umano ng babae si Estrella ng masasamang salita at pilit na hinahanapan ng memorandum na ipinagbabawal ang pagdadala ng aso sa airport.
Muling pinagsabihan ni Estrella ang babae na ilayo ang aso subalit binalewala lamang ang kanyang utos at sa halip ay lumipat lang ng ikbang lugar.
Nang hindi sumunod ang babae ay kaagad na humingi ng assistance si Estrella kay Manny Rodriguez, MIAA duty action officer, upang muling pakiusapan ang babae, subalit nagmatigas pa rin ang babae na parang na(ng-iinis.
At saka lamang humupa ang tensiyon nang lumabas ang isang dayuhan na sinalubong ng babae at sumakay sila sa isang diplomatic car (plate no. 24266). Nabigo ang mga awtoridad na makilala ang babae at pasahero subalit ipinag-utos ni MIAA general manager Alfonso Cusi na imbestigahan ang pangyayari upang mabatid kung kanino ang sasakyan at sino agng babaeng nagdala ng aso. (Butch Quejada)