MGA PINAY NA PINADADALA SA CHINA, GINAGAWANG SEX SLAVE: Fashion show manager, timbog ng NBI
February 8, 2007 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang fashion show manager na nagpapadala ng mga babae sa China at doon ginagawang sex slave sa isinagawang entrapment operation kamakalawa sa Makati City.
Nadakip sa isinagawang operasyon ng mga ahente ng NBI-NCR dakong alas-3 ng hapon sa loob ng isang fastfood house sa Guadalupe, Makati ang suspect na si Macario Canaba, isang baklang fashion show manager. Pinaghahanap naman ang kasabwat nito na si Analiza Fajardo.
Ayon kay NBI-NCR chief Atty. Ruel Lasala, humingi sa kanila ng tulong ang anim na babaeng biktima na naloko ng mga suspect. Inilahad ng dalawa sa mga ito na pinangakuan sila ni Canaba na magtrabaho bilang fashion show model sa Macau, China na may buwanang suweldo na HK$8,000 o P60,000.
Isinama sila ni Canaba at ng kasabwat na si Fajardo sa isang club sa Macau saka kinumpiska ang kanilang plane ticket, pasaporte, pera at iba pang dokumento. Dito napilitan ang dalawang biktima na magpagamit sa mga kostumer dahil sa kawalan ng pag-asa.
Nang matapos ang 23 araw na pagtatrabaho, nadiskubre nila na tinangay din ng mga suspect ang kanilang dapat na kinita sa pagpapagamit sa kanilang katawan.
Nakabalik lamang sa Pilipinas matapos na bigyan sila ng pamasahe ng may-ari ng club na kanilang pinasukan.
Agad naman nilang nahanap at kinompronta si Canaba at itinangging may kinalaman siya sa pagpuwersa sa kanila na makipagtalik sa mga kostumer at pagtangay sa kanilang suweldo. Dahil sa wala na rin namang pangangalagaang puri, inalok pa sila ng suspect na magtrabaho bilang mga prostitute sa Singapore at Hong Kong.
Nagkunwari naman ang mga biktima na payag sa alok ng suspect at saka sila nagsumbong sa NBI na naghanda naman ng bitag.
Dinakip ang suspect na bading sa aktong tinatanggap ang marked money buhat sa mga biktima na muli niyang paaalisin patungong ibang bansa para maging mga prostitute.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa nadakip na suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended