^

Metro

Deputy sheriff arestado sa kotong

-
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Quezon City deputy sheriff sa isinagawang entrapment operation matapos na kikilan ng malaking halaga ng salapi ang isang bidder sa isang public auction kamakailan sa naturang lungsod.

Kinilala ni NBI director Atty. Nestor Mantaring ang dinakip na si Ramon Pichay, 44, deputy sheriff sa QC-Regional TRial Court Branch 96.

Nabatid na lumapit sa NBI Anti-Organized Crime Division ang biktimang si Benjie Bibit, negosyante at inilahad nito na nanalo siya sa isang public bidding para sa limang unit ng bus na nakumpiska ng korte sa isang kasong sibil.

Hiniling ni Bibit kay Pichay na ibigay na sa kanya ang award certificate ngunit nanghingi umano ang huli ng P150,000. Tumawad naman si Bibit ngunit nagmatigas si Pichay dahil marami umano ang maghahati sa naturang halaga. Inihanda ng NBI ang entrapment operation laban sa sheriff at nang magtungo si Bibit sa tanggapan ni Pichay kasama ang isang undercover agent. Dinakma ng mga ahente ng NBI si Pichay sa aktong tinatanggap ang marked money. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

BENJIE BIBIT

BIBIT

COURT BRANCH

DANILO GARCIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR MANTARING

PICHAY

QUEZON CITY

RAMON PICHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with