^

Metro

Niresbakan: 1 patay, 1 grabe

-
Nasawi ang isang driver habang malubhang nasugatan ang kanyang kaibigan matapos na abangan at pagsasaksakin ng isang ‘di kilalang salarin habang ang mga ito ay naglalakad papauwi sa kanilang tahanan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa Tala Hospital ang biktimang si Romulo Aleman, 46, ng Villa Camarin Civic Organization, ng Brgy. 178, Camarin, Caloocan City bunga ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan habang ang kaibigan nito na si Antonio Matubaran, 43, ng nasabi ring lugar ay inoobserbahan sa East Avenue Medical Center.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Jerry Ramos, may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng gabi habang papasok na sa main gate ng Villa Camarin ang mga biktima nang biglang harangin ng suspect at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga ito.

Hindi na nagawa pang makatakbo ng magkaibigan matapos na mabilis at halinhinan silang undayan ng saksak ng hindi kilalang suspect. Posibleng matinding galit ang nagbunsod sa mga suspect upang isagawa ang krimen.

Inamin naman ng pulisya na nahihirapan silang tukuyin ang suspect dahil sa wala pang gustong tumayong testigo sa insidente. (Ellen Fernando)

ANTONIO MATUBARAN

BRGY

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELLEN FERNANDO

JERRY RAMOS

ROMULO ALEMAN

TALA HOSPITAL

VILLA CAMARIN

VILLA CAMARIN CIVIC ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with