^

Metro

Anak ng ex-RAM leader, timbog sa marijuana

-
Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang babae kabilang ang anak ng isang dating Reformed the Armed Forces Movement (RAM) nang mahulihan ng marijuana sa loob ng kotse kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Kasalukuyang isinasailalim sa interogasyon ng MPD District-Anti- Illegal Drugs-Special Operation Task Force Group ang mga suspect na sina Maria Penelope Robles, 24 ng no. 64 Blk.14 Lot 19 BFRV, Las Piñas City at Kris Yvette Medina, 20 ng Blk. 1 Lot 2 Don Gregorio Heights Subdivision, Dasmariñas, Cavite.

Ayon kina PO1 Norman Casihan at PO1 Joel Morales ng Mobile car-329, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maispatan nila ang isang kulay pulang Hondang Civic na may plakang ZFM-946 sa panulukan ng Taft Ave. at Estrada St. sa Malate bunga ng paglabag sa traffic light.

Bahagyang nagkaroon ng habulan hanggang sa maabutan ang dalawang suspect at makitaan ng mga pinatuyong dahon ng marijuana nang magsagawa ng inspeksiyon.

Habang iniimbestigahan ang dalawang babae, lumitaw na si Robles ay anak ni ret. Col. Rex Robles na dating lider ng RAM. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DON GREGORIO HEIGHTS SUBDIVISION

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK FORCE GROUP

ESTRADA ST.

HONDANG CIVIC

JOEL MORALES

KRIS YVETTE MEDINA

LAS PI

MANILA POLICE DISTRICT

MARIA PENELOPE ROBLES

NORMAN CASIHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with