^

Metro

Sa Valentines Day:‘Short time’ bawal sa Maynila

-
Mahigpit na ipagbabawal ng lokal na pamahalan ng Maynila ang "short time" sa mga hotels at motels sa lungsod ngayong Valentines Day bilang pagsunod sa Manila and Tourism Establishment Ordinance ng 1994.

Ayon kay Manila Deputy Mayor Don Bagatsing, ang tatlong oras na short time sa mga motel at hotel ay hindi papayagan upang maiwasan na rin na magtungo dito ang mga menor de edad at proteksyunan ang mga ito na mahulog sa tukso dahil sa magandang alok ng mga motels.

Sa ganito rin umanong panahon ay dagsa na ang mga bisita at turista sa motel at hotel dahil sa mababang alok ng presyo sa mga customer hindi lamang tuwing Valentines Day kundi maging kapag ordinaryong araw.

Karamihan sa mga Manileño ay nagdiriwang ng Valentines Day sa mga hotel at motel ng hindi bababa sa 12 oras dahil na rin sa mas makakatipid ito subalit ayon kay Bagatsing isa itong malinaw na paglabag sa ipinatutupad na city ordinance.

Bukod dito, inatasan na rin ni Bagatsing ang Manila Police District (MPD) na mahigpit na i-monitor ang mga hotel at motel sa Valentines Day at kapag nadiskubreng lumalabag sa ordinansa ang mga may-ari nito ay ipasasara ang kanilang establisimyento.

Katulong din ng MPD ang Business Promotion and Development Office (BPDO) na mahigpit na ipatupad ang no short time policy at inspeksyunin ang mga hotels at motels kung mayroong kaukulang business at mayor’s permit ang mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BAGATSING

BUKOD

BUSINESS PROMOTION AND DEVELOPMENT OFFICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA AND TOURISM ESTABLISHMENT ORDINANCE

MANILA DEPUTY MAYOR DON BAGATSING

MANILA POLICE DISTRICT

VALENTINES DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with