^

Metro

Ultra stampede 1 taon na: Hustisya mailap pa rin

-
Isang taon matapos na maganap ang trahedya sa Ultra ay muling bumalik ang pamilya ng mga namatay na biktima gayundin ang mga survivors upang gunitain ang unang anibersaryo ng Ultra stampede at upang iparating sa kinauukulan ang mabagal na pag-usad ng hustisya para sa kanila.

Dakong alas 6:00 ng umaga nang magsimula ang prayer vigil ng daang-daang katao kasama si Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez sa Philsports Arena (ULTRA) upang ipagdasal ang kaluluwa ng mga nasawing mahal sa buhay.

Ayon kay Jimenez, nananawagan sila sa pamunuan ng ABS-CBN at sa staff ng WOWOWEE na huwag harangin ang preliminary investigation ng isinampang kaso laban sa kanila ng mga biktima ng nasabing stampede.

Dagdag pa nito na noong nakaraang linggo ay nakipagpulong sa kanya ang pamunuan ng istasyon hinggil sa ipinangako nilang livelihood project sa tulong ng kanilang foundation subalit hanggang ngayon ay pawang mga pangako lamang.

Magugunitang noong Pebrero 4, 2006 ay umaabot sa 71 katao ang nasawi at ikinasugat ng daan-daang pa matapos na magkaroon ng stampede ilang oras bago magsimula ang noontime show ng ABS-CBN na Wowowee na magdidiwang sana ng unang taong anibersaryo.

Matapos ang insidente ay sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries ang mga opisyal ng istasyon na kinabibilangan nina Charo Santos-Concio, Executive Vice president; Maria Socorro Vidanes, Senior Vice-president for television production; Marilou Almaden, Wowowee Executive Producer; Cipriano Luspo, Assistant Vice-President at Head security ng ABS-CBN; at comedian Willie Revillame, Wowowee host. (Edwin Balasa)

ASSISTANT VICE-PRESIDENT

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

CHARO SANTOS-CONCIO

CIPRIANO LUSPO

EDWIN BALASA

EXECUTIVE VICE

MARIA SOCORRO VIDANES

MARILOU ALMADEN

PHILSPORTS ARENA

SENIOR VICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with