^

Metro

Tanod patay sa pinahuling ‘tulak’

-
Nasawi ang isang 37-anyos na barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng umano’y ‘tulak’ sa droga na isinumbong ng una sa pulisya, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nasawi habang ginagamot sa UST Hospital sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa katawan ang biktimang si Reynaldo Gregorio ng 100 Loreto St., Sampaloc, Maynila.

Isang Teriel Mondala, alyas Eng-eng, na umano’y ex-convict at tinatayang nasa gulang na 30-35 at armado ng kalibre .38 baril ang sinasabing bumaril sa biktima. Mabilis itong tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Loreto Ext. at Legarda St. sa nabanggit na lugar.

Nabatid na bago naganap ang insidente, naka-duty pa umano ang biktima bilang barangay tanod malapit sa Legarda flyover ng may matanggap itong text message na nagsasabing pumunta siya sa 7-Eleven convenience store sa may J.P Laurel St. sa Nagtahan dahil may nagaganap umanong film shooting.

Inakala naman ng biktima na nangangailangan ng tanod sa lugar kaya nagpunta ito sakay ng kanyang motorsiklo. Nang malapit na siya sa lugar ay bigla itong hinarang ng suspect at saka pinagbabaril ng malapitan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kamakailan lamang ay inaresto ng mga pulis ang suspect sa kasong pagtutulak ng droga subalit nakapagpiyansa at pinagbantaan ang biktima na babalikan dahil sa ito ang umano’y nagpadampot sa kanya. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

GEMMA AMARGO-GARCIA

ISANG TERIEL MONDALA

LEGARDA ST.

LORETO EXT

LORETO ST.

MAYNILA

NASAWI

P LAUREL ST.

REYNALDO GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with