5 timbog sa nakalalasong kemikal
February 4, 2007 | 12:00am
Limang kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad matapos na maaktuhang nagtatapon ng nakakalasong kemikal sa isang barangay sa Valenzuela City, kahapon.
Kinilala ni Supt. Salvador dela Cruz, hepe ng Intelligence and Investigation Division ng Valenzuela Police ang mga suspect na sina Dennis Alfaro, 23, driver at mga helper na sina Jonathan Narbaza, 20; Jovani Tiurema, 18; Juan Almonte, 49 at Osias Almonte, 32.
Ayon sa ulat ni PO3 Ronald Bautista, may hawak ng kaso nadakip ang mga suspect makaraang makatanggap ng impormasyon ang tropa ng Police Community Precinct 5 buhat sa mga residente ng Brgy. Isla hinggil sa presensiya ng isang grupo ng kalalakihan sakay ng isang Isuzu truck na may plakang (NOU-933) na nagtatapon ng isang uri ng kemikal sa kanilang lugar ganap na alas-2 ng hapon.
Agad na tinungo ng mga pulis ang lugar kung saan naaktuhan nila ang mga suspect na itinatapon ang nasabing kemikal sa lugar.
Nasamsam mula sa dala ng mga ito na truck na pag-aari ng Ferlyn Junkshop ang 15 piraso ng container drum na naglalaman ng waste chemical ng varnish at pintura na itinapon sa nasabing lugar.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa presidential degree 825 o illegal disposal of chemical waste ang mga suspect.
Matatandaang ang pagtatapon din ng nakakalasong langis sa Marilao River sa Sta.Rosa Uno, Bulacan noong Nobyembre 28, 2006 ang dahilan ng pagkaka-ospital ng mahigit sa 60 katao karamihan dito ay mga bata. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended